LIPA CITY ONLINE
 
 
HOMEABOUT USCONTACT US 
Categories
Church
Government
Business
Wzup!
Society Pages
Forums
Classified Ads
 
Features

Art by Alan Ogbourne
Beauty and Health
Cars For Sale

Flowers and Gardens
Houses & Lots For Sale
Unique art by Derek

FEATURED BARANGAYS
Granja
Lodlod
San Carlos
 
Welcome to the Official Website of the City of Lipa

FERNANDO AFABLE of Tanauan, Batangas invites everyone in celebrating the opening of FOTO BARYO, it exhibits students' works from the Tanauan, Parañaque, and Sagada projects, shown together at the Tanauan premises.
 
Lipa City Online dot com

 
Mga Streetlights sa Lipa Lalagyan ng Kuntador
Ulat ni Carvelo L. Malubag
October 2008
 

LUNGSOD NG LIPA, Batangas– Upang mapilitang magtipid sa kuryente ang mga barangay, pinaplano ng pamahalaang lungsod na lagyan ng mga electric meters ang mga streetlight na nagbibigay serbisyo sa mga Lipeño at motorista sa 72 barangay ng lungsod.

Ang plano ay isiniwalat ni Lipa Mayor Oscar Gozos sa pagpupulong ng mga miyembro ng Association of Barangay Captain ng lungsod noong ika-23 ng Oktubre.

Ayon sa punonglungsod, umaabot sa 25 milyong piso ang binabayaran ng pamahalaang lungsod kada taon sa Batangas II Electric Cooperative (BATELEC II) upang mapanatiling may ilaw kada gabi ang mga lansangan ng bawat barangay ng lungsod.

Aniya, palibhasa ang kuryenteng nakokonsumo ng mga streetlight ay hindi dumadaan sa kuntador kaya’t hindi namo-monitor kung sino ang nag-aaksaya ng kuryente.

Ayon kay Gozos, personal niyang nakikita sa kanyang pag-iikot na kahit mataas na ang sikat ng araw ay may nakasindi pa rin ang ilaw sa mga poste sa ilang barangay.

Aniya, mas tama din ang kuntador kaysa sa kasalukuyang sistema ng BATELEC II kung saan sinisingil nito ang pamahalaang lungsod ayon sa dami ng poste na may nakakabit na bumbilya.

Paniwala ng pinuno na kahit pundido na ang bumbilya ay maaaring naisasama pa rin sa bilang ng mga binabayaran ang poste.

“Not really to burden you in paying kundi para makita lang natin ang actual na nakokonsumong kuryente ng bawat barangay,” wika ni Gozos.

Ayon pa kay Gozos, kapag nailagay ang mga electric meters ay mas madadalian ang punonglungsod na singilin ang mga barangay ng lima hanggang sampung porsyento ng kanilang kabuuang konsumo ng kuryente para sa mga streetlight.

Samantala, itinanggi naman ng BATELEC ang agam-agam ng punong-lungsod sa umano’y hindi patas na pagkwenta ng singil sa kuryente.

Ayon kay Editha Zara, Administrative Officer ng BATELEC II, may pormulang ginagamit ang kanilang kooperatiba upang kuwentahin ang mga nakokonsumong kuryente ng mga streetlight sa mga barangay.

“Iyan ay iba-iba ang proseso sa pag-computer, binibilang namin ng manu-mano ang mga streetlights kada buwan upang i-monitor kung ilang wattage ang nakalagay na bumbilya sa isang poste,” aniya.

“Bakit naman nila (barangay) ikakabit iyon kung pundido? Inisyatibo na aniya ng barangay ang magpalit ng pundidong bumbilya sa mga ganoong sitwasyon,” wika ni Zara.

“Technically possible namang lagyan ng kuntador ang bawat barangay depende sa set-up ng kanilang streelights,” wika naman ni Engineer Octavius Mendoza ng BATELEC II.

Aniya, kung mahaba at magkakalayo ang pagitan ng mga ilaw sa kalye ay baka higit pa sa isang kuntador ang mapakabit sa isang barangay.

Sa panayam naman ng Balikas kay Romy Pesa, kapitan ng Barangay Sabang, ay sang-ayon naman sila sa kagustuhan ng punonglungsod na lagyan ng electric meter ang mga streetlights ng barangay.
Balitang hatid ng:
http://www.balikas.net:80/
Ads by Boogil


Lipa City Aqua Phantom Warriors Swimming Team

IgCO Skim Milk
Powered w/ Natural

Colostrum Benefits
Product of New Zealand
Now Available In
Lipa City

Learn more about
 Benefits of Colostrum
Dream House
Find your DreamHome

For Health, Beauty and
Youth Restoration

PINOYS IN ARIZONA...
have the best kept secret in the USA
Featured Events
CBCP-ECMI joined with The Lipa Archdiocesan Commission on Migrants and Mission (LACMMI) in the formation of Inter-Agency Council for Migrants' Concerns.
(full article)

The Alejandro 'Titing' Gaza Foundation recently launched its new website.  It caters to physically disabled persons or the so called Physically Challenged.
The Lipa Evangelical Church celebrated its 100th year Anniversary on Monday, Dec. 2, 2007.  View event photos and programs
 
Disclaimer Legal Information  |  Terms of use and Privacy Policy  |

Copyright © 2008 LIPA CITY ONLINE
Lipa City, Philippines 4217