LIPA CITY ONLINE
 
 
HOMEABOUT USCONTACT US 
Categories
Church
Government
Business
Wzup!
Society Pages
Forums
Classified Ads
 
Features

Art by Alan Ogbourne
Beauty and Health
Cars For Sale

Flowers and Gardens
Houses & Lots For Sale
Unique art by Derek

FEATURED BARANGAYS
Granja
Lodlod
San Carlos
 
Welcome to the Official Website of the City of Lipa

FERNANDO AFABLE of Tanauan, Batangas invites everyone in celebrating the opening of FOTO BARYO, it exhibits students' works from the Tanauan, Parañaque, and Sagada projects, shown together at the Tanauan premises.
 
Lipa City Online dot com

 
No Smoking sa Lipa
Ulat ni Carvelo L. Malubag
October 2008

Ang larawang ipinakakalat sa iba't-ibang lugar sa lungsod ng Lipa, lalo na sa mga pampublikong lugar. Nagpapaalalang "Ang paninigarilyo sa lugar na ito ay ipinagbabawal ng batas."


LUNGSOD NG LIPA, Batangas- Ang paninigarilyo sa mga pampublikong lugar, pamahalaang gusali at loob ng mga pampublikong sasakyan ay ipagbabawal na sa Lungsod ng Lipa.

Ito ang nakasaad sa bagong ordinansa ng lungsod na may pangalang General Ordinance NO. VII (Series of 2008) o “Ordinance Banning Smoking in Public Places & Inside Public Utility Vehicles Within The City of Lipa at pinagtibay noong ika-23 ng Setyembre.

Batay sa nasabing ordinansa, ang paninigarilyo ay ipinagbabawal sa loob ng mga silid-aralan o anumang institusyong may kinalaman sa edukasyon, loob at lobby ng sinehan, sa mga ospital at klinika, at sa loob ng mga shopping mall.

Ipinagbabawal din ito sa mga tang-gapang pampamahalaan at ilang pribadong establisimyento na itinalaga at may babalang “No Smoking Area” katulad ng karaoke bars, beerhouse at nightclubs.

Pati na rin ang paninigarilyo sa mga pampublikong sasakyan tulad ng bus, dyip, multicab, traysikel at iba pa ay ipinagbabawal na rin.

Samanatala, pinapahintulutan naman ng ordinansa ang ibang establisimyento na magkaroon ng smoking area sa kondisyon na mayroon itong maayos na exhaust ventilation.

Ang mga mahuhuling lalabag sa nasabing ordinansa ay papatawan ng multang P300 sa unang paglabag, P500 sa ikalawa at sa ikatlo at mga susunod na paglabag ay may multang P1,500 o pagkakakulong nang hindi hihigit sa limang araw depende sa pasya ng korte.

Bukod sa Lipa, ang ilang pangunahing lungsod sa Pilipinas tulad ng Davao, Makati at Calapan ay mayroon na ring No Smoking Ordinance.

Pero may hamon si (Ret.) Col. Ricardo Macala, dating bise-akalde ng lungsod (mula noong 1995 hanggang 1998) na ipatupad ng mahigpit ang naturang ordinansa.

Taong 1995 pa aniya ay umiiral na ang ordinansang nagbabawal manigarilyo sa mga piling pampublikong lugar at sasakyan sa lungsod. Nguni’t aminado si Macala na may kahinaan ang implementasyon nito sapagkat ang ibang mga department head pa aniya at ilang nanunungkulang pulitiko ay nakakapanigarilyo kahit sa loob ng tanggapan ng city hall.

Kaya panawagan ng dating bise-alkalde, “Kailangang ipatupad iyan ng mahigpit at kung hindi ay magiging katawa-tawa lang iyan”.
 
Balitang hatid ng:
http://www.balikas.net:80/
Ads by Boogil


Lipa City Aqua Phantom Warriors Swimming Team

IgCO Skim Milk
Powered w/ Natural

Colostrum Benefits
Product of New Zealand
Now Available In
Lipa City

Learn more about
 Benefits of Colostrum
Dream House
Find your DreamHome

For Health, Beauty and
Youth Restoration

PINOYS IN ARIZONA...
have the best kept secret in the USA
 
Disclaimer Legal Information  |  Terms of use and Privacy Policy  |

Copyright © 2008 LIPA CITY ONLINE
Lipa City, Philippines 4217