LIPA CITY ONLINE
 
 
HOMEABOUT USCONTACT US 
Categories
Church
Government
Business
Wzup!
Society Pages
Forums
Classified Ads
 
Features

Art by Alan Ogbourne
Beauty and Health
Cars For Sale

Flowers and Gardens
Houses & Lots For Sale
Unique art by Derek

FEATURED BARANGAYS
Granja
Lodlod
San Carlos
 
Welcome to the Official Website of the City of Lipa

FERNANDO AFABLE of Tanauan, Batangas invites everyone in celebrating the opening of FOTO BARYO, it exhibits students' works from the Tanauan, Parañaque, and Sagada projects, shown together at the Tanauan premises.
 
Lipa City Online dot com

 
Pangangalaga ng mga Pangisdaan, Ipinagdiwang
Ulat ni Carvelo L. Malubag
October 2008

Matamang pinagmamasdan ng mga mag-aaral ang mga iba't ibang uri ng isdang nasa aquarium at kung patuloy ang kawalang-galang sa ating karagatan, ay malamang hanggang dito na rin lang sila makakakita ng isda. Larawan ni Carvelo L. Malubag

TAAL, Batangas- Nakiisa ang lalawigan ng Batangas sa taunang paggunita ng Fish Conservation Week (Fish Con). Ang nasabing okasyon na sa kasalukuyan ay nasa ika-45 taon ay ginunita mula ika-19 hanggang ika-25 ng Oktubre at pinangunahan ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR).

Ayon kay Ma. Theresa Mutia, Center Chief ng BFAR- National Fisheries Biological Center sa bayang ito, binibigyang halaga ng pagdiriwang ang kahalagahan ng industriya ng pangisdaan sa pagpapalago ng ekonomiya ng bansa.

Taun-taon, ang ikatlong linggo ng Oktubre ay itinatakdang Fish Con batay sa Proklamasyon Bilang 176 ng dating Pangulong Diosdado Macapagal.

Para sa taong 2008, ang sentro ng pagidiriwang ay nakatutok sa mga epekto at solusyon sa mabilis na pagbabago ng klima ng daigdig o climate change.

“Kailangang maging aware ang mga Filipino na pangalagaan ang pangisdaan lalo na’t may nagaganap ng pagbabago ng klima,” wika ni Mutia.

Samantala samu’t-saring aktibidad naman ang inilunsad sa tanggapan ng BFAR-NFBC bilang paggunita ng Fish Con. Ilan sa mga ibinada ng nasabing tanggapan sa isang live exhibit ay ang mga inalagaan o bini-breed na gold fish, guppies at iba pang ornamental fish.

Tampok din ang mga natatanging buhay sa Lawa ng Taal na pinag-aaralan ng nasabing ahensya tulad ng maliputo, bangus, kitang, buwan-buwan at iba pa.

Mayroon ding libreng film showing at seminar sa pag-aalaga ng mga ornamental fish at backyard aquarium.

Ayon kay Mutia ang pagpaparami (breeding) ng ornamental fishes ay maaaring alternatibong kabuhayan lalo nang mga mangingisda sa Lawa ng Taal. Sa datos ng Inland Fisheries Research Station ng BFAR sa Lungsod ng Tanauan, umaabot sa 4,711,251 metriko toneladang (MT) isda ang produksyon ng pangisdaan ng bansa noong 2007.

Walong porsyento ay ambag ng Rehiyong CALABARZON na may daming 387,149 MT. Ang pinagmulan ng datos ay huli mula sa karagatang munisipal at aquaculture.

Umaasa ang BFAR na makatulong ang taunang selebrasyon na makapukaw at mapalawig pa ang suporta mula sa iba’t-ibang ahensya ng pamahalaan, pribadong sektor, at mga ‘di pampamahalaang samahan.

Ayon kay Mutia, patuloy ang proyekto ng BFAR sa pag-aaral sa kalagayan ng isdang tawilis at ang pag-preserb rito.

Ang tawilis (sardinella tawilis) ang tanging commercial freshwater sardine sa buong mundo at ito ay tanging sa Lawa ng Taal lamang makikita.

Samantala ramdam na rin ng mga taga-Calatagan Batangas ang climate change.

Ayon kay Jesiderio Delos Reyes, pinuno ng Municipal-Fisheries and Aquatic Resources Management Council ng Calatagan, ang banta ng climate change ay pagkawala ng ilang kabuhayan sa kanilang lugar pangisdaan.

Aniya, ang patuloy na pag-init ng tubig dagat ay magdudulot ng malaking epekto sa mga bahura at damong dagat na matatagpuan sa nasabing bayan.

Nangangamba si Delos Reyes na mawawalan ng kita ang mga mangingisda lalo pa’t 68% ng populasyon ng bayan ay umaasa sa industriya ng pangisdaan.

“Sobra na ang pagtaas ng tubig pag may bagyo ay iba ang level nito kaysa dati, wayback mga 1980s. O kaya naman ay sobrang lowtide ngayon. Dati hindi nagiging exposed ang mga corals sa Tangkulan, pero ngayon, sobra na ang lowtide. Ang pag lawak ng thermocline sa Calatagan kung saan ay lumalawak din ang coral bleaching sa area. Dahil dito, may mga corals ang namamatay, partikular ang mga acropora species,” wika ni Delos Reyes sa panayam ng Balikas.

Kung magpapatuloy aniya ito, posibleng mawala rin ang uri ng ibang bahura, isda, seaweeds sponges at marami pang iba.

 

 
Balitang hatid ng:
http://www.balikas.net:80/
Ads by Boogil


Lipa City Aqua Phantom Warriors Swimming Team

IgCO Skim Milk
Powered w/ Natural

Colostrum Benefits
Product of New Zealand
Now Available In
Lipa City

Learn more about
 Benefits of Colostrum
Dream House
Find your DreamHome

For Health, Beauty and
Youth Restoration

PINOYS IN ARIZONA...
have the best kept secret in the USA
Featured Events
CBCP-ECMI joined with The Lipa Archdiocesan Commission on Migrants and Mission (LACMMI) in the formation of Inter-Agency Council for Migrants' Concerns.
(full article)

The Alejandro 'Titing' Gaza Foundation recently launched its new website.  It caters to physically disabled persons or the so called Physically Challenged.
The Lipa Evangelical Church celebrated its 100th year Anniversary on Monday, Dec. 2, 2007.  View event photos and programs
 
Disclaimer Legal Information  |  Terms of use and Privacy Policy  |

Copyright © 2008 LIPA CITY ONLINE
Lipa City, Philippines 4217