 | FERNANDO AFABLE of Tanauan, Batangas invites everyone in celebrating the opening of FOTO BARYO, it exhibits students' works from the Tanauan, Parañaque, and Sagada projects, shown together at the Tanauan premises,
FOTO BARYO Exhibition runs from 05 June to 06 July 2008 at the third and fourth floors of the Cultural Center of the Philippines, Roxas Boulevard, Manila. | | |  |
| |
| Manunulat ng Balikas Finalist sa Developing Asia Journalism Awards Ulat ni Carvelo L. Malubag November 2008
| TOKYO, Japan- Dalawampu’t limang mamahayag mula sa 13 bansa sa Asya ang napiling finalist ng 2008 Developing Asia Journalism Awards & Workshop, na inorganisa ng Asian Development Bank Institute (ADBI).
Kabilang sa mga pumasok sa finals sa kategoryang pamamahala ay ang artikulong pinamagatang “Illegal Fish Cage Operations Poison Taal Lake” na isinulat ni Marlon Alexander Luistro, manunulat ng Pahayagang Balikas.
Ang nasabing artikulo ay bahagi ng tatlong seryeng ulat tungkol sa kalagayan ng Lawa ng Taal na unang inilathala noong ika-4 ng Hunyo,2008 sa website ng Philippine Center for Investigative Journalism (PCIJ).
Lumabas din ang istorya sa pahayagang Malaya at Manila Times sa nabanggit na petsa.
Ang mga mamamahayag na pumasok ngayong taon ay nagmula sa mga sumusunod na bansa; Republika ng Tsina, India, Indonesia, Republika ng Kyrgyz, Thailand, Bangladesh, Lao People’s Democratic Republic, Myanmar, Nepal, Pakistan, Pilipinas, Bhu-tan, at Sri Lanka.
Ang naturang parangal ayon sa ADBI ay bilang pagkilala sa kahusayan ng pag-uulat na natutungkol sa pagbabagong hatid ng kaunlaran at mga isyung kalakip nito sa rehiyon. Ang mga papremyo sa 2008 ay igagawad sa pag-uulat sa apat na kategorya ng kaunlaran: kalikasan, pamamahala, imprastraktura at pagkakaisang panrehiyon.
Bukod dito’y may igagawad ding dalawang natatanging parangal para sa Development Journalist of the Year at Young Development Journalist of the Year para sa mga pumasok na manunulat na may edad 30 pababa.
Ang finalists ay inimbitahan na dumalo sa Tokyo para sa apat na araw na programa na mag-uumpisa sa Ika-11 hanggang 14 ng Nobyembre. Sila ay tutuloy sa Hotel Villa Fontaine Roppongi at mamalagi hanggang sa huling araw ng programa kung saan ang paggagawad ay isasagawa sa Foreign Correspondents’ Club ng Japan. |
| |
| Balitang hatid ng:
 |
| | Featured Events | CBCP-ECMI joined with The Lipa Archdiocesan Commission on Migrants and Mission (LACMMI) in the formation of Inter-Agency Council for Migrants' Concerns. (full article)
| The Alejandro 'Titing' Gaza Foundation recently launched its new website. It caters to physically disabled persons or the so called Physically Challenged.
| The Lipa Evangelical Church celebrated its 100th year Anniversary on Monday, Dec. 2, 2007. View event photos and programs
| |
|
|