LIPA CITY ONLINE
 
 
HOMEABOUT USCONTACT US 
Categories
Church
Government
Business
Wzup!
Society Pages
Forums
Classified Ads
 
Features

Art by Alan Ogbourne
Beauty and Health
Cars For Sale

Flowers and Gardens
Houses & Lots For Sale
Unique art by Derek

FEATURED BARANGAYS
Granja
Lodlod
San Carlos
 
Welcome to the Official Website of the City of Lipa

FERNANDO AFABLE of Tanauan, Batangas invites everyone in celebrating the opening of FOTO BARYO, it exhibits students' works from the Tanauan, Parañaque, and Sagada projects, shown together at the Tanauan premises,

FOTO BARYO Exhibition runs from 05 June to 06 July 2008 at the third and fourth floors of the Cultural Center of the Philippines, Roxas Boulevard, Manila.
 
Lipa City Online dot com

Pagbawi sa mga Lupain ng Ayala sa Calatagan
Suportado ng DENR  
Ulat ni Marlon Alexander S. Luistro
October 2008
 

LUNGSOD NG QUEZON– Sinuportahan ni Kalihim Joselito Atienza ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang desisyon ng Supreme Court (SC) na bawiin mula sa umano’y pagmamay-ari ng pamilyang Ayala ang 2,000 ektaryang lupain sa kadahilanang ito ay dapat na pag-aari ng publiko.

Sa kanyang inilabas na pahayag sa website ng DENR, sinabi ni Atienza na ang nasabing hatol ng Korte ay isang tagumpay.

“Sa wakas ay nagtagumpay din ang hustisya. Kinailangan pang maghintay ng 46 taon ng mga maralitang magsasaka para lamang gunitain ang araw na ito kung saan maaari nilang makamit ang lupang talagang tatawagin nilang kanila,” ani Atienza sa website na nakasulat sa wikang Ingles.

Ang desisyon ng SC sa nasabing lupain ay inilabas noong ika-6 ng Oktubre.

“Kinailangan ko pang tanggalin ang ilang mga tauhan ng DENR at masusing subaybayan ng aking opisina (ang kaso) para makumpleto ang relocation survey,” wika ni Atienza.

Ang nasabing survey ay iniutos ng Balayan Regional Trial Court Branch 11 sa DENR upang hanapin at sukatin ang pinagtatalunang 2,000 ektarya na bahagi umano ng 12,000 ektaryang lupain ng mga Ayala sa nasabing bayan. Natapos ng DENR ang survey noong Setyembre, 2008 at ang datos ay naisumite sa korte sa bayan ng Balayan.

Ayon sa kalihim, naniniwala siyang ang kawalan ng interes sa bahagi ng mga dating namumuno ang naging dahilan kung bakit hindi maipatupad ang nasabing desisyon sa loob ng mahabang panahon.

Ayon pa kay Atienza, umaasa siyang ang naging desisyon ng Korte Suprema hinggil sa mga kaso ng Calatagan ay magsisilbi umanong inspirasyon sa mababang hukuman para pansinin ang iba pang mga kaso sa lupa.

Ang mga Zobel ay isa sa mga matatandang pamilyang Kastilya na nakakamkam ng mga lupain sa Pilipinas noong panahon ng pananakop ng mga Kastila.

Ang kanila umanong lupain sa Calatagan ay dating malawak na taniman ng tubo. Ngunit sa paglipas ng panahon, ang bahagi ng kalupaan na dating pantalan ng mga barkong nagdadala ng tubo palabas ng lalawigan ay isinailalim sa land conversion upang gawing palaisdaan. Ito ay lumawak nang lumawak.

Noong Hunyo 2, 1962 ay ipinawalambisa ng Court of First Instance ang Transfer Certificate of Title No. 722 matapos mapag-alamang iligal ang isinagawang pagpapalawak ng mga Ayala sa kanilang lupain.

Ayon sa hatol, lumampas nang halos 2,000 ektarya ang pagpapalawak ng Ayala mula sa orihinal na 9,652.583 ektaryang lupain at napasama rito ang mga “bahagi ng territorial sea beach at navigable waters ng public domain.”

Ayon pa sa nasabing hatol, inutusan din ng korte ang pamilyang Ayala na ibalik sa publiko ang nasabing 2,000 ektaryang lupain.

Ngunit makalipas ang 46 taon ayon sa SC ay hindi pa rin naipatutupad ang hatol ng korte noong 1962.

Kaya’t noong ika-6 ng Oktubre ay ipinag-utos ng SC ang pagbabalik ng mga lupain sa publiko. Tuluyan ring tinanggihan ng SC ang apela ng mga kasalukuyang tagapagmana ng pamilya Ayala.

“This denial is final. Under the pain of contempt, no further pleadings and motions shall be allowed (including one for reconsideration or clarification) in these long pending cases,” nakasaad sa 12-pahinang desisyong ng SC sa nasabing kaso.

Samantala, naniniwala naman si Ruperto Aleroza, advocacy officer ng Samahan ng Maliliit na mga Mangingisda sa Calatagan (SAMMACA) na malaki ang maitutulong sa mga mangingisda ng kanilang bayan kung maipatutupad ang nabinbing desisyon ng korte tungkol sa mga nasabing lupain.

“Para sa akin ay dapat mabawi yan ng gobyerno (lalo) yung mga may hawak ng titulo dahil walang bisa na siya at yang titulo na rin ang naging dahilan ng mga mayayaman sa pagkasira ng kalikasan,” wika niya sa hiwalay na panayam ng Balikas.

Ayon kay Aleroza, ang mga nasabing lupain ay dating bakawan na nasira dahil pinagtayuan ng mga palaisdaan.

Hindi naman makuhanan ng Balikas ng pahayag ang pamilya Ayala ukol sa nasabing isyu.
 
Balitang hatid ng:
http://www.balikas.net:80/
Ads by Boogil


Lipa City Aqua Phantom Warriors Swimming Team

http://www.balikas.net:80/
Balitang Kalikasan, Kabuhayan at Pamayanan ng Batangas
Dream House
Find your DreamHome

For Health, Beauty and
Youth Restoration

PINOYS IN ARIZONA...
have the best kept secret in the USA
Featured Events
CBCP-ECMI joined with The Lipa Archdiocesan Commission on Migrants and Mission (LACMMI) in the formation of Inter-Agency Council for Migrants' Concerns.
(full article)

The Alejandro 'Titing' Gaza Foundation recently launched its new website.  It caters to physically disabled persons or the so called Physically Challenged.
The Lipa Evangelical Church celebrated its 100th year Anniversary on Monday, Dec. 2, 2007.  View event photos and programs
 
Disclaimer Legal Information  |  Terms of use and Privacy Policy  |

Copyright © 2008 LIPA CITY ONLINE
Lipa City, Philippines 4217