LIPA CITY ONLINE
 
 
HOMEABOUT USCONTACT US 
Categories
Church
Government
Business
Wzup!
Society Pages
Forums
Classified Ads
 
Features

Art by Alan Ogbourne
Beauty and Health
Cars For Sale

Flowers and Gardens
Houses & Lots For Sale
Unique art by Derek

FEATURED BARANGAYS
Granja
Lodlod
San Carlos
 
Welcome to the Official Website of the City of Lipa

FERNANDO AFABLE of Tanauan, Batangas invites everyone in celebrating the opening of FOTO BARYO, it exhibits students' works from the Tanauan, Parañaque, and Sagada projects, shown together at the Tanauan premises.
 
Lipa City Online dot com

 
Calacatchara Festival sa Calaca
Ulat ni Marlon Alexander S. Luistro
October 2008
achara is grated papaya marinated in sweet and sour concoction

CALACA, Batangas– Iba’t-ibang putaheng may sangkap na atsara ang ibinida ng mga mamamayan ng Calaca bilang pagdiriwang ng kanilang ika-4 ng taong Calacatchara Festival noong ika-21 ng Oktubre.

Ang atsara ay isang uri ng pampagana na gawa mula sa papaya, labong, ubod, ampalaya, seaweed at iba pang gulay at ito’y hinaluan ng asukal, luya, bawang, suka, luyang dilaw at sili. Ang pampaganang putaheng ito ay naging bahagi na ng pagkain ng mga Tagalog at ito’y madalas na makikitang pares sa mga inihaw na karne o seafoods.

“Kahit saan naman puwedeng gumawa ng atsara pero naiiba talaga pag sa Calaca. Sa pagkakataong ito’y gagamitin natin ang atsara bilang main ingredient sa lulutuing mga putahe ng mga contestant,” wika ni Alicia Cabrera, Municipal Agriculturist Officer ng Calaca, sa panayam ng Balikas.

Ang Calacatchara Festival ay isinasagawa taun-taon ng bayan ng Calaca upang mapaunlad ang turismo sa bayan at hikayatin ang mga taong magluto ng iba’t-ibang putahe gamit ang atsara bilang pangunahing panlahok.

Kanya-kanyang recipe na patok sa mga panlasa ng mga hurado at mga bisita ang inihain sa hapag ng pitong kalahok sa Calacatchara Cook Fest nang araw ding iyon.

Para sa mahihilig sa karne, nariyan ang kalderetang kambing atchara, habang mayroon namang sugpo atchara para sa mga taong mahilig kumain ng seafoods.

Sa mahihilig namang magmerienda ng mga finger food ay nariyan din ang ipinagmamalaking siomai atchara ng Barangay 6 at kangkong roll con atchara ng samahang Lunas Kalusugan.

Para sa mahihilig sa mapapait, nariyan ang ampalaya porkchara ng Barangay Poblacion at sweet and sour atchara naman para sa mahihilig sa pagkaing ang lasa’y magkahalong tamis at asim.

Kabilang lamang sa naging pamantayan ng mga hurado sa pagpili ay ang mga sumusunod: overall acceptability, originality, production cost, time management at overall presentation.

Isang oras lamang ang ibinigay ng mga hurado sa mga kalahok para tapusin ang kanilang putaheng atsara at maihain ito sa hapag.

Nagkampyon sa nasabing paligsahan ang kangkong roll con atchara na iniluto ng samahang Lunas Kalusugan, na binubuo ng mga volunteer health worker sa Calaca. Sila ay nagkamit ng premyong P5,000 at certificate.

Pumangalawa naman ang ampalaya porkchara ng Barangay Poblacion habang siomai atchara ng Barangay Dacanlao. Ang mga kalahok ay tumanggap ng P3,000 at P2,000 at certificates.

“Expected talaga namin dahil ang amin kakaiba, original yung recipe. Yung kangkong (yung orihinal) kasi usual na yung ibang putahe eh,” wika ng cook na si Gracia Magsombol, na bahagi ng nagwaging kalahok sa unang puwesto.

Aniya, umaabot lamang sa 15 minuto ang itinagal ng kanilang pagluluto ng putaheng kangkong roll con atchara.

“Ang ingredients po niya ay giniling na karne, may itlog na pula tapos sarsa tapos hinuho po yung giniling na mani tapos isasaw po dun sa egg white at saka (nilagyan ng) breading. Atcharang papaya po yung ginamit namin,” pagwawakas ni Magsombol.

Ayon sa Department of Trade and Industry, ang bayan ng Calaca ay isa sa mga pangunahing nagsusuplay ng atsara. Mahigit 36 metriko tonelada kada taong atsara ang inilalabas ng bayan at ibinebenta sa mga supermarket, department store at iba’t-ibang restawran sa bansa.

Dahil dito’y napili ng pamahalaang bayan ng Calaca ang atsara bilang kanilang tampok na produkto sa programang One Town One Product ni Pangulong Gloria Macapagal– Arroyo, na naglalayong paangatin ang mga negosyo sa bansa at makalikha ng mga trabaho sa mga mamamayan.

Depende sa bigat, ang presyo ng atsara sa merkado ay pumapatak sa P30 para sa 225 gramo hanggang P120 para sa 1,000 gramo.

 
Balitang hatid ng:
http://www.balikas.net:80/
Ads by Boogil


Lipa City Aqua Phantom Warriors Swimming Team

IgCO Skim Milk
Powered w/ Natural

Colostrum Benefits
Product of New Zealand
Now Available In
Lipa City

Learn more about
 Benefits of Colostrum
Dream House
Find your DreamHome

For Health, Beauty and
Youth Restoration

PINOYS IN ARIZONA...
have the best kept secret in the USA
 
Disclaimer Legal Information  |  Terms of use and Privacy Policy  |

Copyright © 2008 LIPA CITY ONLINE
Lipa City, Philippines 4217